May 21, 2026
nang minsa’y nakipagsayaw ako sa apoy

Buwang kay banas napagpasyahan.

Tapos na ang magsisipagtapos

Nahalina ng kanilang diskwento

Kasama ang tropa’t mga pinsan

Sa pagitan ng Timog at Morato

Libog ang lalamunan na lumaklak

Lalasingin ka ng indak;

Entablado’y dumadagitab sa ligaya

Mahihibang ka sa kahihipak

Nagbabaga sa kaka-kaskas ng plaka

Tatalon sa tiyempo ang tatlong daan

Hihiyaw-hiyaw lahat sa pagmitsa

Itulak niyo ang pinto pakiusap!

Nagnanana na ang kamay at likod

Ang pula ay nagiging itim na

May pagka-arsonista ata ang tadhana

Yayakapin kaming tuluyan ng lagablab

Higit isang-daang kinabukasa’y naabo

Piyesa ni Franz De Castro