April 29, 2026
Kung mga salita’y maglaho

Nakakuha ako ng mensahe

“Susulat ka ng isang tula.

Isipin mo ang mangyayari,

Kung wala ang Wikang Filipino”

Kung wala ang Wikang ito

Anong lenggwahe ang gagamitin

Para sa tula

Tungkol sa wika

Bakit pa magkakaroon

Ng pagdiriwang tuwing Agosto

Kung ang Wikang Filipino

Ay naglaho

Wikang Latin, Ingles, o Tsino

Isa ba dito ang papalit,

Kung ang Wikang Filipino’y

Nabaon dati sa lupa

Filipino, mula sa Filipino

Lahi na ipinangalan sa wika

Ngunit kung ang wika ay naglaho

Ano ang pangalan natin?

Binuo ng kasaysayan

Ang lenggwahe ng mga tao

Kung itong wika ay mabura

Historya rin kaya?

Kung ang wika ay maglaho

Hindi lang salita

Ang mapapawi

Buti di mangyayari

Di ba?

Piece by Inno Gatdula