January 15, 2026
Pagsigaw sa bingi

Walang inaksaya,

Ni-isang patak ng lambing,

nang bibig nung riple’y

pahiyawin.

Sa paghimig ng mga bala’y

mga mata’y piniringan,

at mga tenga’y ipinikit

ng kinulimbat na —

dugo.

Bawat haplos ng araw

ay pagtuyo ng mga

nakabara sa pandinig.

Bawat hagupit ng gabi’y

pagdami ng bungong

nakaharap sa mga

—mata.

Kailan matutunaw

ang kalyo sa mukha

ng siyang may gapos

sa leeg ng baril?

Piyesa ni Ryan Reyes