January 15, 2026
sa laban ng martir

Mas malamig pa sa hanging

hindi ko madama

ang rehas nitong selda

kung saan nabilanggo

ang libo-libong

plano at pangarap

kailanman ang pagsagip

sa naghihingalong bukas

ay hindi pagtataksil

ang pagbitbit ng pag-asa

sa daan patungong Capas

ay muli kong isusugal

ngunit kung kapalit ng pagdurusa

ang pagkalag sa kanilang tanikala

…pipiliing itikom ang bibig

kung mas mauunang matapos

ang buhay kaysa sa digmaan

…mamamaalam akong panatag

sa mga mensaheng sa ere ay naiwan

mga sugat na hindi malunasan

at mga katawang natigilan

sapagkat hindi kakayaning

talikuran ni unica hija

ang kanyang inang bayan