December 25, 2024

wala nang kai-kaibigan 

sa mga tiyang ginutom at katawang 

pinagod ng mga manlulupig 

na madaling makalimot.

 

Kung minsan,

ang paglaban

ay napagkakamalang

paghihiganti

 

mistulang tunog na gumagambala at

ligalig na hindi mapatahan

                                               nakaririndi

 

Ngunit may iba pa bang paraan

upang mapakinggan

kung ang tenga nila’y 

nakapinid bago pa makaimik?

 

Patawad sa mga inagaw at ninakaw

sa mga nadamay, may malay man o wala

Sa halagang binayaran ng himagsikan 

ng mga hindi pinakinggan

 

Kasabay ng sunog 

na inutusang kumain 

ng bahay at kabuhayan

ay ang galit na kumalat at nag-alab

 

ngunit sa huli’y tagumpay 

ang kanilang sigaw, 

bitbit ang Kampanang tumatawag

sa mga mananampalataya 

at nangungunsensya sa may sala.

 

Piyesa ni Ruby Anne Arada

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *