February 29, 2024

Buwang kay banas napagpasyahan.

Tapos na ang magsisipagtapos

Nahalina ng kanilang diskwento

Kasama ang tropa’t mga pinsan

Sa pagitan ng Timog at Morato

Libog ang lalamunan na lumaklak

 

Lalasingin ka ng indak;

Entablado’y dumadagitab sa ligaya

Mahihibang ka sa kahihipak

Nagbabaga sa kaka-kaskas ng plaka

Tatalon sa tiyempo ang tatlong daan

Hihiyaw-hiyaw lahat sa pagmitsa

 

Itulak niyo ang pinto pakiusap!

Nagnanana na ang kamay at likod

Ang pula ay nagiging itim na

May pagka-arsonista ata ang tadhana

Yayakapin kaming tuluyan ng lagablab

Higit ‘sang-daang kinabukasa’y naabo

 

Piyesa ni Franz De Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *