February 29, 2024

Pilit mong alalahanin, 

pangyayaring ibinaon sa limot. 

 

Tinuruan maging bulag at pipi 

kaya umumit sila patalikod 

nakapupukaw pansin man ang layunin. 

Sadyang ‘di inilimbag sa libro 

ang lihim na lamat. 

 

Hanggang kailan? 

Ipagpapatuloy ang binuong alyansa 

na may kaakibat na takot 

kahit pilit mong itanggi. 

 

Ngayon, walang duda 

nagtatangka muling kilalanin 

ang naudlot 

na panlulupig.  

 

Piyesa ni Sophia Hao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *