Ang bigat, ngunit
bakit walang maramdaman?
Sa bawat paghaplos ng pahina
mga daliri’y nanlalamig,
parang nasa dagat na
‘di makaangat
—sa laot.
Dahan-dahang
nasusunog.
Tuyo na ang panulat
wala pa mang papel
na nagagamit.
Wala pang pisarang nakikita
‘di na kaagad makuhang
—mumulat.
Matagal na atang purol ang
lapis?
Kailan kaya
Matatasahan?
Baka bukas?
Baka mamaya?
Kailan muli makakaramdam?
Piyesa ni Ryan Reyes